Ang huni ng ibon, aliw-iw ng batis Sa bundok Banahaw Ay inihahatid, ay inihahatid Nang hanging amihan Kaya't yaring abang puso Sakbibi nang madlang lumbay Sa sandaling ito, sa sandaling ito'y Naliligayahan. Halina, irog ko at tayo'y magsayaw Sa kumpas ng tugtog, tayo ay sumabay Dini naman sa lumang kudyapi Ikaw irog aking aawitan Sa saliw ng hanging palay-palay Sa bundok ng Banahaw.