O, Ilaw sa gabing madilim Wangis mo'y bituin sa langit O, tanglaw sa gabing tahimik Larawan mo Neneng nagbigay pasakit Tindig at magbangon sa pagkagupiling Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing Buksan ang bintana at ako'y dungawin Nang mapagtanto mo ang tunay kong pagdaing.