Tayo irog ko magsayaw ng tinikling Tulad ng sayaw ng lolo't lola natin Ang mga padyak kung di pagbubutihin Dalawang kawayan tayo'y iipitin. At sa tinikling na labis na panganib Ang hindi maingat ay maiipit Nguni't mahak ko ganyan din sa pagibig Ang hindi tapat ay maiipit.