Kung gabing ang buwan sa langit ay nakadungaw; Tila ginigising ng habagat sa kanyang pagtulog sa tubig; Ang isang larawang puti at busilak, Na lugay ang buhok na animo'y agos; Ito ang Mutya ng Pasig, Ito ang Mutya ng Pasig. Sa kanyang pagsiklot sa maputing bula, Kasabay ang awit, kasabay ang tula; Dati akong Paraluman, Sa Kaharian ng pag-ibig, Ang pag-ibig ng mamatay, Naglaho rin ang kaharian. Ang lakas ko ay nalipat, Sa puso't dibdib ng lahat; Kung nais ninyong akoy mabuhay, Pag-ibig ko'y inyong ibigay.