Magtanim ay di biro Maghapong nakayuko Di naman makatayo Di naman makaupo Braso ko'y namamanhid Baywang ko'y nangangawit. Binti ko'y namimintig Sa pagkababad sa tubig. Sa umagang paggising Ang lahat iisipin Kung saan may patanim May masarap na pagkain. Braso ko'y namamanhid Baywang ko'y nangangawit. Binti ko'y namimintig Sa pagkababad sa tubig. Halina, halina, mga kaliyag, Tayo'y magsipag-unat-unat. Magpanibago tayo ng lakas Para sa araw ng bukas Para sa araw ng bukas!