Sampaguita mutyang halaman Bulaklak na ubod ng yaman Ikaw lang ang siyang hinirang Na sagisag nitong bayan. At ang kulay mong binusilak Ay diwa ng aming pangarap Ang iyong bango't halimuyak Sa tuwina ay aming nilalanghap. O bulaklak na nagbibigay ligaya Aking paraluman mutyang Sampaguita Larawang mistula ng mga dalaga Tanging ikaw lamang Ang hiraman ng kanilang ganda. Ang 'yong talulot na kay ganda Mga bubuyog nililigiran ka Kung sa dalagang sinisinta Araw gabi'y laging sinasamba.