Mutya ng Pasig


SUBMITTED BY: rcmacalintal

DATE: July 10, 2016, 8:36 p.m.

FORMAT: Text only

SIZE: 542 Bytes

HITS: 1006

  1. Kung gabing ang buwan
  2. sa langit ay nakadungaw;
  3. Tila ginigising ng habagat
  4. sa kanyang pagtulog sa tubig;
  5. Ang isang larawang puti at busilak,
  6. Na lugay ang buhok na animo'y agos;
  7. Ito ang Mutya ng Pasig,
  8. Ito ang Mutya ng Pasig.
  9. Sa kanyang pagsiklot
  10. sa maputing bula,
  11. Kasabay ang awit,
  12. kasabay ang tula;
  13. Dati akong Paraluman,
  14. Sa Kaharian ng pag-ibig,
  15. Ang pag-ibig ng mamatay,
  16. Naglaho rin ang kaharian.
  17. Ang lakas ko ay nalipat,
  18. Sa puso't dibdib ng lahat;
  19. Kung nais ninyong akoy mabuhay,
  20. Pag-ibig ko'y inyong ibigay.

comments powered by Disqus