Sampaguita - Philippine National Flower


SUBMITTED BY: rcmacalintal

DATE: July 10, 2016, 7:36 p.m.

FORMAT: Text only

SIZE: 513 Bytes

HITS: 743

  1. Sampaguita mutyang halaman
  2. Bulaklak na ubod ng yaman
  3. Ikaw lang ang siyang hinirang
  4. Na sagisag nitong bayan.
  5. At ang kulay mong binusilak
  6. Ay diwa ng aming pangarap
  7. Ang iyong bango't halimuyak
  8. Sa tuwina ay aming nilalanghap.
  9. O bulaklak na nagbibigay ligaya
  10. Aking paraluman mutyang Sampaguita
  11. Larawang mistula ng mga dalaga
  12. Tanging ikaw lamang
  13. Ang hiraman ng kanilang ganda.
  14. Ang 'yong talulot na kay ganda
  15. Mga bubuyog nililigiran ka
  16. Kung sa dalagang sinisinta
  17. Araw gabi'y laging sinasamba.

comments powered by Disqus