Malinis na tubig para sa lahat


SUBMITTED BY: glenarj27

DATE: Aug. 16, 2017, 10:19 a.m.

FORMAT: Text only

SIZE: 1.4 kB

HITS: 296

  1. Isa sa mga paraan para malaman mo kung talagang malinis ang tubig na nabibili mo sa mga refilling station. Kapag nasa kalahati
  2. na lang ang laman ng galon pumunta sa isang madilim na lugar o mas mabuti kung gabi buksan ang taklob nito sa ibabaw at tapatan ng flaslight na led na puti ang bumbilya ang tubig. Pagmasdan itong mabuti. Wala ka dapat na makikitang kahit ano lutang man o lubog o nakahalo sa tubig. Maraming refilling station ay scam, maling advertisement para mapaniwala ang tao. Meron display lang ang mga kagamitan hindi lahat gumagana, meron din hindi properly maintained, meron din hindi pinadadaan sa ibang salaan o nililikdangan na ang ibang proceso na dapat kasama sa pagpurified, meron din hindi agad nagpapalit ng mga parts o filters kahit lampas na sa dapat na takdang panahon lang ng serbisyo nito. Ang mga nabangit ay ilan lang sa mga paraan para mapalaki ang kita at makatipid sa kuryente. Mabuting bisitahin din ang suking tubigan at alamin kung ito ba ay kumpleto sa mga permits at health certificates.
  3. Magmasid din kung malinis ba ang kanilang pasilidad. At kung malinis din ang proceso at pati ga empleyado nito. Unang una dapat enclosed at air conditioned ang pasilidad. Ang mga empleyado dapat gumagamit ng hair net, face mask at naka bota. Hindi rin dapat nasisinagan o naiinitan ng araw ang mga container.
  4. Para sa inyong mga reklamo o sumbong makipagugnayan sa Water Quality Association INC.

comments powered by Disqus