SORE EYES


SUBMITTED BY: brenipanag

DATE: Jan. 24, 2016, 1:24 p.m.

FORMAT: Text only

SIZE: 1.3 kB

HITS: 4343

  1. PAMUMULA NG MATA - SORE EYES NA KAYA?
  2. Maraming dahilan ang pamumula ng mata. Nandyan ang puyat, allergy, stress, panunuyo ng mata, pagkapuwing, kemikal, droga, glaucoma, o impeksyon. Kapag may pamumula ng mata, huwag kaagad mataranta o magpatak ng kung ano-ano sa mata. Conjuctivitis ang medical na tawag sa sore eyes. Minsan, tinatawag rin itong “pink eyes” dahil sa kulay nito. Sa ating bansa, ang mas kilalang tawag na sore eyes ay kalimitang kumakalat tuwing tag init o bakasyon. Gaya ng nabanggit, maraming dahilan ang pamumula ng mata. Una, tanungin sa sarili: nakusot o nakamot ba ang mata? Nagpuyat ba ng ilang gabi? Ikalawa, isipin kung napuwing, natamaan, o may kemikal gaya ng sabon, shampoo, o make-up na tumama sa mata. Ikatlo: mayroon bang kakilala na may pamumula rin ng mata? Ang pamumula ng mata mula sa pagkamot at pagkapuwing ay kalimitang pansamantala lamang. Maari itong tumagal ng ilang oras o isa hanggang dalawang araw. Halos wala itong kaakibat na sintomas maliban na lamang sa puwing na kalimitang may pagluluha. Kung minsan, sa sobrang stress o puyat, lalo na kung madalas nakaharap sa computer o telebisyon, may maliliit na ugat sa mata na pumuputok. Ito ang nagiging sanhi ng pamumula. Ang karaniwang sore eyes na alam natin ay ang nakakahawang klase.

comments powered by Disqus