<center><h1>Mr. Popular Meets Ms. Nobody</h1></center>
<hr>
Alam mo ba yung feeling na, para kang NOBODY?
It means, hindi ka sikat, hindi ka mayaman, hindi ka super sexy at super ganda, hindi ka maganda manamit, hindi rebonded ang buhok mo at sa ukay-ukay lang nabibili ang mga gamit at damit mo?
Hindi naman mahirap maging nobody, ang mahalaga may isa ka pa rin namang mapapanghawakan na mayroon ka, iyon ang katalinuhan at kabaitan.
Nobody's perfect sabi nga nila. Pero may mga taong makaasta ay perpekto sila, kung sabagay buhay nila iyon. Just mind your own life.
Kung isa ka mang nobody, anong mararamdaman mo kung ang isang perfect guy ay ma-hooked sayo? Well, let see.
Let the magic begin.
<center><h1>Chapter 1 ♥ Meet Ms. Nobody</h1></center>
<hr>
ALERT, ALERT.
THIS STORY IS WRITTEN ORIGINALLY BY PINKY JHEWELii.
PLEASE, DO NOT PLAGIARIZE OR ELSE, YOU'LL TURN INTO PIG. CHOS!
HAPPY READING! :))))
----------------------------------------------------------------------------------------------
Chelsea POV
First day of class.
Boring.
Actually, hindi ako excited. Sino ba naman ang ma-e-excite kung alam mong pagdating mo sa school, lalait-laitin ka lamang ng mayayamang students? Hayyyyss!
Bakit ba may mga ganoong tao?
Oo nga pala, hindi pa ako nagpapakilala.
Ako nga pala si Chelsea Torres. 17 years old. Freshmen. Business Management Course. Only child. Ulila.
Actually tama yung nabasa niyo, ulila na ako. Doon ako nakatira sa Tita Yolly ko pero kapalit niyon, nagsa-sideline din ako ng mga work na pwede para may pang-tustos ako sa pag-aaral. Hindi naman kasi kayang sagutin iyon ng Tita ko. Hindi naman sila mayaman. May maliit lang silang karenderya kung saan tumutulong ako kapag walang pasok.
May isa siyang anak. Si Charisse, medyo hindi kami magkasundo. Kesyo asungot daw ako sa bahay nila. Ang arte ng lola niyo, tsss!
By the way, mag-aaral nga pala ako sa isang sikat at mayamang school, ang Shin-Woo University.
Pero bago kayo magtaka kung bakit ako doon mag-aaral, let me clear this, isa po akong dakilang scholar.
Madami akong pinag-exam-an na schools na tumatanggap ng scholars at yun nga, sa swerte ko nakapasok ako sa SWU.
Akalain mong ang isang tulad ko na mahirap lang ay makakapasok na rin sa wakas sa isang exclusive school! Kyaaaa~ I am so eggzoited.
Oopps! Kanina pa pala ako nagkukwento, male-late na'ko.
Binilisan ko ng maglakad hanggang makarating sa SWU. Walking distance lang naman ang layo nung school sa bahay, imagine niyo nalang mula ortigas hanggang guadalupe. Haha malayo-layo din. No choice, tipid ako sa baon. Tricycle lang kasi yung dumadaan sa street namin.
Lumapit ako sa guard at itinanong kung saan banda yung Room 102. Dun kasi yung room ko. Hindi pa naman ako pamilyar sa school na'to kasi super laki niya as in! Malaki pa siya sa tatlong mall na pinagsama-sama.
Isa pa, wala pa akong kakilala kahit isa rito kasi bago palang ako. Sana magkaroon man ako ng kaibigan kahit mahirap lang ako.
"Ateng guard, san po yung room 102?"
"Estudyante ka ba rito?" Masungit yung pagkakatanong ni ateng guard na mukhang naghilamos ng harina sa kapal ng make-up.
"Opo." Magalang kong sagot.
"Baka naman niloloko mo lang ako? Hindi mo ba alam itong pinuntahan mo? Shin-Woo University 'to iha, mayayaman ang estudyante rito." Tumawa pa si ateng guard. Sarap pektusan nito.
"Alam ko po. Scholar po ako dito." Pagkasabi ko inabot ko yung assessment ko sa kaniya. Pasalamat siya hindi ko pinalamon sa kaniya ung papel. Kainis kasi.
Mahirap nga ako pero hindi naman ako papayag na maliitin lang ng kung sino. Isa akong palaban na babae!
"Ang swerte mo. Ayan, diretsuhin mo yang hagdan paakyat tapos kaliwa. Makikita mo na yung number sa may pinto ng room." Masungit pa rin si ateng guard.
Hmm! Sungit nito. Gawin kong tinapay mukha mo eh.
Wala nga pala kaming uniform dito. Kaya nga malamang pumunta na naman ako ng ukay-ukay para makabili ng pang-itaas. Nakakahiya naman kung ulit-ulit ang damit ko.
Sa wakas nakita ko na rin ang room ko. Pagpasok ko, lahat ng atensiyon nasa akin. Wait, may dumi ba ako sa mukha?
Para tuloy akong manginginig sa titig ng mga 'to. Para silang living monsters.
"And who the hell are you?" Mataray na tanong sakin nung babaeng mukhang maldita na nakaupo sa may first row. Para siyang si ateng guard, wagas kung maka-make-up.
"Student." Sagot ko. Student naman talaga ako. Saka, huwag nya kong ini-english-english ha! Anong akala niya sakin? Bobo? Hello. Matalino kaya ko kahit mahirap lang ako.
She gasp tapos tumayo pa siya na parang di makapaniwala. "Oh, really? I can't believe it! Paano ka naging student dito? Your like a maid." Nagtawanan ang buong klase.
Aba, aba! Namumuro na tong babaeng 'to ah. Wag nyang sabihing mayaman siya eh hindi ko na sya papatulan?
Hindi ko muna pinansin iyon at tuloy tuloy ako pumasok at umupo sa huling row.
Pagkaupo ko, kakaiba na naman ang tingin nila sakin. Masama.
Kinalbit ako nung babaeng nasa unahan ko, "Reserve seats yan." Sabi nya tapos tinuro ung nakasulat sa tatlong bakanteng upuan kasama na ung inuupuan ko ngayon. Nakalagay, "reserve seats."
May ganong effect pala dun? Nilibot ko ang tingin. May ilan pang bakante pero ang sasama naman ng tingin nila.
Kinalbit ulit ako nung girl sa unahan ko. "Dito ka nalang sa tabi ko." Waaa, ang ganda niya. Nakangiti pa siya sakin. Ang swerte ko naman pala at may mabait pang nilalang sa room na ito.
Lumipat na ako ng upuan sa tabi niya. "Uy, salamat ah." Sabi ko.
She smiled again. "It's okay. By the way, I'm Janna."
"Ako naman si Chelsea. Salamat talaga ha?"
"Alam mo, huwag mo nalang pansinin ang sinasabi nila." Tinuturo niya ung nagtaray sakin kanina.
"Wag ka din papayag na inaapi ka. Okay?" Paalala pa niya.
Natuwa naman ako sa sinabi niya. "Oo naman! Ako yata si Chelsea Torres!"
Tumawa si Janna. "Nakakatuwa ka naman Chelsea."
"Hehe," gawin ba akong clown?
Natigil ung kwentuhan namin nung dumating na yung prof. "Goodmorning everyone! I know, familiar na ako sa ibang narito since dito din sa SWU nag-highschool ang iba. At ang iba, newbie palang. Kaya mas mabuti if you'll introduce yourself one by one."
Hala? Papakilala pa? Kahiya.
Tumayo na yung maarteng nagtaray sakin kanina. "Hello, I know you know me guys, one of the most popular student here in school, I'm Angel Sabina, who owns the beauty of a real angel."
Aba't, ang kapal din ng mukha ng bruha. Wew! Natapos na ang first row ng biglang nagsigawan ang buong klase except yata samin ni Janna at ng mga boys.
May tatlong lalaki palang papasok sa classroom namin at nang makita ko sila, it's WOW! Ulam!
Saang planeta nanggaling ang nag-gagwapuhang mga lalaking ito? Oh my dyi talaga!
"I love you Kyle!"
"I love you Lance!"
"I love you Adrian!"
Yan ang sigaw ng mahaharot kong classmate. Sabagay, diko naman sila masisisi. Habang nakatingin ako sa kanila papasok sa room, parang slow motion effect tapos kumikinang. Parang si edward cullen lang. Hakhak.
Ang iingay pa rin ng girls dito hanggang makaupo sila sa hulihan. So kanila pala yung reserved seats sa likod ko.
Teka? Sa likod ko? Kyaaaaa! Nahiya ako bigla. Aysss! Never pa'ko na-inlove pero ngayon palang ako namangha ng bongga sa beauty ng isang lalaki.
Habang nakatingin ako sa kanila, hindi ko maiwasang sabihin sa isip ko na, Hmmm, yummy!
Haha. Nescafe lang?
"Now, continue class. Tama na ang hiyawan." Sabi nung prof.
Ako naman hawak hawak ko pisngi ko para mapigilang tumingin sa likod. My golly! Dalaga na talaga ako, nakerengkeng na ako.
Hindi ko namalayan si Janna na pala nagsasaita.
"Hi guys. I'm Janna Ruiz. Hope we'll all be friends. I hate maarte,so bitches, back off."
Natawa naman ako sa mataray niyang pakilala. Hehe. Palaban rin 'tong si Janna. Ako na pala.
Hindi pa ako nagsasalita, nakikisabat na sila.
"Boo!"
"No need to introduce yourself bitch!"
"She's like a maid, god!"
"Is she really a student here?"
"Paano yan nakapasok dito?"
"Ang dungis dungis niya."
Wow ha! Sabihan nakong mahirap pero yung madungis, hindi ko mapapalampas. "Excuse me lang ha. Ako si Chelsea Torres. Para sabihin ko sa inyong lahat, scholar po ako kaya nakapasok ako sa school na ito. Isa pa, oo mahirap lang ako, hindi kasingganda ng suot niyo ang suot ko, pero hindi ako madungis."
Tahimik silang lahat.
Tumingin ako sa mataray na si Angel na pasimuno sa lahat. "At ikaw, sa ugali mong iyan, mas madungis ka pang tingnan sakin. Tingnan mo nga yang mukha mo, ilang kilong harina ba nilagay mo diyan? Sobrang puti pero yung braso mo hindi naman ganon kaputi, pantay-pantay din pag may time."
Nagtawanan ang buong klase lalo na ang mga lalaki. Si Angel naman parang umuusok na ang ilong sa galit.
Ngumiti ako. "Kaya kahiya-hiya man sa inyo, hayaan niyo kong mag-aral dito dahil nagsisikap ako para sa sarili ko. Kaya kung ako sa inyo, sa halip na kalandian at pagpapaganda ang inaatupag niyo, mag-aral na lang kayo."
Huminga ako ng malalim at tumingin sa prof. "Sorry po Ma'am kung masyadong mahaba ang speech ko. Kelangan eh. Thank you po."
Umupo na ako at nagulat ako ng nagpalakpakan ang iba kong classmate kasama na si Janna na ngiting-ngiti sakin.
"I like your power girl! Ang bongga mo." Niyakap pa niya ko.
"Nakakainis kasi sila."
"Hayaan mo na sila okay? From now on, we're friends na kaya lagi na tayong magkasama."
Nagulat naman ako sa sinabi ni Janna. Nakakahiya.
"Hindi ba nakakahiya."
"Ano ka ba? Wala pa din naman akong friend dito, hindi din naman ako dito nag-highschool. Pero dito ako nag-elementary. Isa pa, hindi ko feel ang maaarte nating classmate kaya every breaktime, sakin ka sasama. Okay?"
"E, sige."
Nakakatuwa naman si Janna, ang swerte ko talaga! Bukod sa nakapasok ako sa isang sikat na school, nagkaroon pa ako ng kaibigan na maganda at mabait. Hindi siya mapagmataas kahit mayaman siya. Nagdaldalan na lang kami.
Nagtataka nga ako bakit hindi nagpakilala yung tatlong guwapong lalaki sa huli. Ay ewan!
<center><h1>Chapter 2 ♥ Meet Mr. Popular</h1></center>
<hr>
Kyle POV
Hay salamat.
Natapos din ang klase, breaktime na.
We're heading to canteen. Kasama ko ang mga kaibigan kong si Lance at Adrian.
Nagsasawa nako sa tilian ng mga babae. Kanina sa room, nakakabingi silang lahat.
"Hey, man! Ang astig ni Ms. Tweety girl kanina sa room."
Napatingin naman ako kay Adrian. "Sinong tweety girl?"
"Yung Chelsea yung name. Yung nakatshirt na tweety bird ang print." Paliwanag ni Adrian.
"At talagang natandaan mo pa ang suot na damit." Sabi ni Lance.
Napailing na lang ako sa kanila. Ano namang astig ron? Pare-pareho lang silang mga babae.
"Isa siyang matapang na babae." Sabi pa ni Adrian
Nakarating na kami dito sa canteen. Syempre may sarili din kaming mesa kaso may nakaupo. Aba, pinag-iinit ang ulo ko.
"Teka, si tweety girl!" Natutuwa pa si Adrian. Mukhang wala lang dito kung may maupo sa mesa namin.
"Excuse me, alam mo ba kung kanino itong inuupuan mo?" Serysoso kong sabi.
Lumingon lingon pa sya. Ignoranteng babae. "Ito?"
"Common sense please."
"May nagmamay-ari na ba nito? Sa tingin ko wala naman."
"Ah, tweety girl. Mesa kasi namin yang inuupuan mo. Kaya if you don't mind, lipat ka nalang sa iba." Sabi ni Adrian.
Anong klaseng approach un? Dapat galit. Paano to masisindak sa kanila? Talaga naman, oo!
"Get out of this table!" Sigaw ko.
Halata namang nagulat tong babae na'to. Pero agad namang napalitan ng pagkainis ang mukha niya.
"Hoy, wala kang karapatang basta na lang akong sigawan ng ganyan! Hindi porket gwapo ka ay hindi kita papatulan. Sayang ang ka-guwapuhan mo kung ganyan naman ang ugali mo."
Anong sabi niya? Pinapainit nito ang ulo ko ah!
"What did you say?"
"What did you say, what did you say ko mukha mo. Nauna ako rito kaya hindi ako aalis dito."
Ngumisi ako. "Hindi mo ba ako kilala?" Hamon ko sa kaniya.
"Ang alam ko lang, kayo ang tinitilian ng mga babae sa buong school. Guwapo lang kayo pero wala naman kayong sinabi pagdating sa academics."
Nagtawanan pa sina Adrian at Lance, ang putek ng mga 'to!
Talagang sinisira nito ang araw ko ah? "Talaga bang sinusubukan mo ako?"
"Tama na yan Kyle." Awat ni Adrian.
Hindi ko siya pinansin. Tiningnan ko lang sya ng masama at inihampas ang kamay ko sa mesa. "So I will introduce myself to you miss nobody, ako lang naman si Kyle Shin-Woo."
"So?" Nakataas pa ang kilay nitong babaeng to.
"Ako lang naman ang unico ijo ng may-ari ng school na ito."
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Walang sabi-sabi bigla na lang syang tumakbo palayo at palabas ng canteen.
Tumawa ako. "Takot pala eh."
"Sobra ka naman Kyle. Ang cute pa naman ni tweety girl." Sabi ni Adrian. Ito kasi ang goodboy saming magkakaibigan. Kami ni Lance, medyo harsh talaga.
"If you find her cute, i don't care." cute na ba ang lagay nun? wala naman akong nakitang kakaiba sa kaniya. Tss
Naupo na kami at inutusan ko ng umorder si Adrian ng pagkain namin.
Oo nga pala, di pa pala ako nagpapakilala. Ako si Kyle Shin-Woo, full korean ako pero dito ako lumaki sa pinas. 18 years old na ako at pamilya ko ang may-ari ng Shin-Woo University. Only child ako, sobrang busy din kasi sa mga business ang Papa ko.
Aminado ako, mayabang ako, harsh magsalita, ala-supremo dahil wala akong kinatatakutan dito sa school, ni professor o guard, takot lahat sakin. Nagagawa ko kasi lahat ng gusto ko dito sa school maliban lang ang umabsent dahil talagang malalagot ako kay Papa. Di bale na daw na gumawa ako ng kalokohan basta wag sa pag-aaral.
Mula kindergarten dito na ko pumasok kaya kilalang kilala na kaming magkakaibigan dito. Bukod kasi ako ang captain ball at star player ng tigers, ako pa ang hearthrob prince.
Si Lance Abellano at Adrian Buenavista ang mga kaibigan ko dito at kasama rin sila sa team ng tigers. Marami pa akong kaibigan, buong team ng tigers, nasa sampu kami, lagi ko lang kasama sina Adrian at Lance dahil kaming tatlo lang ang magkakatulad ang course. Yung iba, iba-iba na.
May sarili kaming tambayan dito, syemre hiningi ko sa papa ko. Isa siyang malaking room na may sala set, dining set, tapos may mga gadgets at indoor games. Tambayan yun ng buong tigers.
Andito na pala food namin. Makakain na para makabalik na sa klase.
---
Chelsea POV
Kyaaa! Hingal na ako sa pagtakbo. Hindi ko na nahintay si Janna na umoorder ng pagkain kanina sa canteen.
Pano ba naman, bigla bigla na lang susulpot yung Kyle na yun. Daig pa niya ang dragon pag nagalit.
Gwapong gwapo pa naman ako sa kanila, masama pala ugali. So dissapointed! Buti pa yung isa, yung mukhang koreano na tinawag akong tweety girl na may higlights yung buhok niya ng violet. Teka, pede ba yun sa skul? Sabagay, mayayaman kasi.
Pero hindi pala dapat un ang iniisip ko. Nalaman ko kasi na kanila pala tong skul. Paktay nako nito! Ano ng mangyayari sakin? Aysss, bakit kasi ang tapang kong sumagot kanina.
Sana malimutan nya ko, naku dapat magpalit nako ng hairstyle bukas. Baka mamaya, paalisin nya ko sa skul nato. Jusko!
"Hoy, chelsea!"
"Jusko naman, Janna wag ka namang mang-gulat." Napahawak pako sa dibdib ko.
Takot ko ba naman dun sa kyle na yun. Baka mamaya pinapa-hunting nako nun.
"Bakit bigla ka nalang umalis sa mesa? Pagdating ko dun, sina kyle na ang andun."
Kumunot yung noo ko kasi kilala niya yung mukhang dragon na lalaki na yun. "Kilala mo yung mukhang dragon na un?"
"Sino? Si kyle?" Tumatawa pa siya habang sinasabi yan.
"Oo. Kilala mo nga sya?"
"Sino ba namang hindi makakakilala sa anak ng may-ari ng skul? Diba nga dito ako nag-elementary? Kaklase ko sila nung elementary. Lumipat lang ako sa japan nung highschool. Tapos lipat ulit dito."
Naku! Totoo ngang anak siya ng may-ari ng skul. Paano na ang scholarship ko? Oh my gulay!
"Ibig sabihin ba, kilalang kilala mo na sya?"
"Medyo lang kasi nakakapansinan ko naman sila."
"Kasi.. Nasigawan ko at natarayan ko siya kanina. Natatakot ako na baka tanggalin nya ko dito sa skul." Natatakot na talaga ako.
Naku naman, mataas pa ang pangarap ko. Hindi ko mapapag-aral ang sarili ko kung hindi ako scholar. Yung pambaon ko nga at extra pera, nakukuha ko lang yun sa kung anu-anong sideline ko. Yung pagtulong ko kasi sa karenderya ng tita ko, kapalit na nun ang pagtira ko ng libre sa bahay nila.
"Hindi naman siguro gagawin yun ni kyle. Though, marami talaga syang kalokohan at may pagka-demonyito, hindi naman ka naman niya siguro paaalisin sa skul ng basta-basta lang."
"Janna natatakot ako."
"Ano ka ba! Hello, nakilala kitang matapang na babae that's why I like you."
Oo, tama. Matapang ako diba? Bakit ako matatakot sa kaniya? May katwiran naman ako kanina. Ano bang alam ko dun sa mesang pag-aari pala nilang magkakaibigan? Ah, basta ipaglalaban ko ang karapatan ko! Hindi ako matatakot!
<center><h1>Chapter 3 ♥ I'm Dead!</h1></center>
<hr>
Chelsea POV
Maaga akong pumasok.
Hindi ko kasi nagawa 'yung mga assignment ko kagabi, 24hours kasi 'yung karenderya ni tita yolly. Siyempre alangan namang hindi ako tumulong.
Alas dos na nga ng madaling araw ako nakatulog eh. Isama mo pa ang mga lamok na bakunang-bakuna na sa dugo ko, hindi tuloy ako nakatulog ng matindi-tindi.
Pag talaga ako naging presidente ng pilipinas, i-ba-ban ko 'yang mga lamok yan 'yan dito sa pinas. Ahehehe XD
Hikab dito, hikab doon habang naglalakad ako.
"Ay kabayo!!"
Nagulat ako ng may bumusina ng sobrang lakas. Napatingin ako sa kotseng tumigil sa may tabi ko.
Talaga namang nag-iinit ang ulo ko. Sabi nga nila, inisin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising.
Lumapit ako sa kotse at kinatok. Tinted yata, hindi ko makita ang tao sa loob eh.
"Hoy, kung akala mo natatakot ako sa'yo, huh! nagkakamali ka. Kaya kung sino ka man, lumabas ka dyan at ipaliwanag mo sakin kung bakit kailangan mo akong businahan ng ganoon kalakas. Isulat mo sa one whole sheet of yellow pad!"
Ay bakit ko sinabi yun? HAHA. Feeling teacher ako. Ganon kasi teacher ko nung highschool. Nahawa na tuloy ako.
Namaywang ako. Aba, ayaw na ayaw kong binabastos ako.
Slow motion na bumaba ang bintana ng kotse. And the moment na bumaba na ng bonggang bongga ang bintana niyon, bigla akong napatingin sa langit at napahiling na maging invisible ako.
Kyaaa~ sa dinami-dami naman ng lalaking mambabastos sakin ng ganito kaaga, bakit siya pa? juskoday!
"Anong sabi mo? Mag-explain ako at isulat ko sa one whole yellow pad?"
Ayan na, lumalabas na ang pagka-dragon niya. Nagngingitngit yung panga niya, golly!
"Hehe, joke lang naman yun. Ito naman hindi na mabiro. Nagpa-praktis lang akong maging teacher."
Nag-peace sign ako sa kaniya para effective. At kung iniisip niyo na si Kyle yung lalaking naka-kotse, oo tama kayo! Siya nga.
"As far as i know, business management ang course natin at hindi education. Pinaglololoko mo ba ako?"
Akalain ko bang siya yun?
"Sorry." sarkastiko kong sabi.
Mukha kasi itong pinaglihi sa sama ng loob, palagi na lang galit.
"Akala mo ba nakalimutan mo na ang ginawa mo sakin kahapon?"
Hala, paktay na talaga! natandaan pa rin niya? Hindi, huwag kang matakot chelsea, wala kang nagawang mali! "Sa pagkakaalam ko, wala naman akong nagawang mali kahapon."
Siyemre tapang-tapangan ang peg ko. Baka mamaya, sunggaban na lang ako nito bigla at ipakain sa buwaya eh.
Ngumisi si Kyle dragon. "Really? you don't remember?"
Nag-poise pa ako na parang nag-iisip. "Wala talaga akong maalala. Teka, nauntog yata ako kagabi, hala! May amnesia yata ako. Teka, sino nga ba ako?"
Gusto ko ng matawa sa pinagsasasabi ko. Langya naman kasing Kyle na'to, daig pa ang papatay ng tao kung makatingin.
Nasapo niya ang noo niya. "Ang laki din ng sapak mo sa ulo 'no? Hindi mo maalala? Sige, kakausapin ko nalang si Papa mamaya para sabihing may umalipustangan ng pagkatao ko at kung maaari ay ipatanggal sa school."
Hanla? Napakalupit naman ng kyle na'to. Umalipustangan talaga ang term? OA naman nito. Kainis!
Hinawakan ko ang ulo ko. "Wait, wait, naaalala ko na. Yes! magaling na'ko, wala na akong amnesia!"
"Crazy girl."
"Hoy, sinong baliw?"
"Baka ako?" sarkastiko niyang sabi.
Tumingin ako sa relo ko, malapit na akong ma-late, hanubayan! "Eh, kyle ano bang kailangan mo sa'kin? male-late na kasi ako." bait-baitan effect ako.
"Later, 3pm. hanapin mo yung room na may nakasulat sa pinto na TIGERS. Malapit sa gym. Pag hindi ka pumunta, your dead!"
Pagkasabi niya nun, pinaharurot niya yung kotse niya. Walanjo sa usok!
"Ikaw na ang maganda ang kotse!" sinigawan ko siya, malamang lang hindi na niya narinig.
Haysss! Ano ba tong pinasok kong gulo? Nung highschool wala namang katulad ni kyle. Bakit ngayon pa? Naman talaga oh.
Paktay talaga ako nito. Bakit nya ko pinapupunta sa room na may tigers na nakasulat? Hala? baka may mga nakakulong dun na tigers? Pag pumasok ako don, for sure lalapain ako ng bonggang bongga? Hala talaga. I'm dead! What to do?
-------------------------
Kyle POV
Akala mo, matatakot mo'ko? Sino ka sa akala mo. Isa ka lang nobody.
Pagkapaharurot ko ng sasakyan, hindi ko maiwasang matawa nang maalala ko yung mga sinabi nung nobody na yun.
Para siyang may sapak. Lakas ng tama.
Kesyo nagka-amnesia tapos gagaling agad?
Baliw talaga yun.
Teka? Bakit ako natatawa sa kaniya? Erase, erase!
Inis ako sa kaniya, akala niya palalampasin ko ng ganon ganon na lang ang ginawa niya sakin? In her dreams.
Pagka-parada ko sa parking lot ng school, dumiretso ako sa tambayan. Maaga pa naman.
"Oh, kyle aga mo?"
Tiningnan ko ng masama si Adrian, "Masama?"
"Hindi naman. Nanibago lang."
Umupo ako sa couch. "May tinuruan lang ako ng leksyon."
Tumakbo papalapit sakin si Adrian. "Sino?"
"Si tweety girl mo."
Tweety girl pang nalalaman, nakakasuka sila.
"Ano? Anong ginawa mo sa kaniya? Wag mong sabihing binugbog mo siya? Sobra ka naman yata Kyle? Hindi yun tama."
Ano bang pinagsasasabi nitong si Adrian?
"Baliw ka ba? kelan pa ako nambugbog ng babae? May iba akong naisip na ipagawa sa kaniya para makaganti man lang sa pinagsasasabi nya sakin kahapon."
"Ano naman un?"
Ito talagang si Adrian, kalalaking tao tsismoso. "We'll see later."
Humanda ka sakin nobody, tingnan lang natin kung hanggang saan ang tapang mo.
--------------------
Chelsea POV
"Janna, I'm dead!"
Hingal na hingal pa akong pumasok ng room. Buti na lang after 123456789 years, nakaupo na ako ulit dito sa upuan ko.
"Huh? I think, your still alive. You can speak and your here..."
Anak naman ng tinapa, pilosopohin ba ako?
"NO, hindi 'yun ang ibig kong sabihin. Kanina, tinigilan ako ni Kyle, galit na galit siya sakin."
Hindi ko na alam kung anong iisipin ko.
Kumunot yung noo niya. "Anong ginawa niya sa'yo?"
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Sabi niya mamayang 3pm, pumunta ako sa room na may nakasulat na tigers sa pinto. Jannnnaaaa! I'm dead na talaga, lalapain ako ng mga tigers dun. Pag hindi ako pumunta dun, siguradong patatalsikin na ako sa school na'to!"
Nawala ako sa pagmo-moment dahil sa lakas ng tawa ni Janna. Badtrip 'to.
"Anong nakakatawa?"
Tumingin siya sakin na mukhang papatay na sa kakatawa. Adik talaga nito. "Kasi.. kasi.."
Hala, hindi makapasalita dahil sa kakatawa. Nambubuwisit ba 'to?
"Hoy.." yinugyog ko na ang balikat niya. Baka mamaya maubusan na'to ng hininga sa kakatawa eh.
"Wait, I'll calm myself first Chelsea." para itong hindi babae kung makatawa.
Sige, mamaya 'pag bumaho alam na. Mauutot na'to kakatawa eh.
"Ano na?"
Kapag ganitong may iniisip ako, mainipin talaga ako.
"Natawa ako sa tiger thingy mo na 'yon. Don't you know? Kyle is the basketball captain of this university and their team is called Tigers. Hindi iyon tulad ng iniisip mo na kwarto ng mga tigre. Oh my god Chelsea, you really make me laugh." tumawa na naman sya.
Clown lang, ganoon?
Badtrip lang, kanina pa ako isip ng isip tungkol d'on tapos 'yon lang pala 'yon. Kala ko katapusan ko na mamaya eh.
"Oh, laughing with ugh!" nagtataray na naman si Angel na lumapit sa may upuan namin ni Janna.
"You don't care." mataray ding sagot ni Janna. Si Janna pa ba? Eh isa rin 'tong saksakan ng taray pero mabait.
"I'm not talking to you. I'm talking with, what i'm gonna call you? A maid?"
Napatayo ako sa sinabi niya. Ako maid? Aba, nag-iinit na naman ang dugo ko ah.
"Sinong sinasabihan mong mukhang maid?" sigaw ko.
Tumaas ang kilay ni Angel na nakatingin sa'kin. Pinasadahan pa ako ng tingin. Bruha talaga.
"Sino pa ba? Ikaw lang naman ang walang ka-taste-taste sa pananamit. it's like a rug. Ang dumi mong tingnan."
Pagkatao ko na yung inaapi niya ha?
"So katulong pala ang tingin mo sa'kin? Kung gano'n, pakiabot nga ang pang-mop at mailampaso ang mukha mo sa sahig."
Sa tingin ba niya hahayaan ko siyang tapakan ang pagkatao ko? Hindi porket mahirap ako, huh!
"What?" nandidilat na ang mata niya.
"Isa pa, anong sabi mo? Nadudumihan ka sa pananamit ko? Parang basahan? Eh sa ugali at pagkatao mo, hindi ka nadudumihan? Baka gusto mong ipalinis sa'kin, tutal maid naman ang tingin mo sakin. Buong puso kong lilinisin 'yang pagkatao mo, gusto mo gamitan ko pa ng Tide?"
"Huh! You crazy bitch!" nagwalk-out na si Angel na mukhang devil, bow~!
Napatingin naman ako kay Janna na tawa na naman ng tawa. Adik talaga 'to. Yung iba naming classmate, natatawa din. Ano ba tingin nila sa'kin? Clown?
"That was, speechless ako!" sabi ni Janna na patuloy sa pagtawa.
Umupo na lang ako. Napansin ko na lang na nakaupo na pala sa likuran ang tatlong unggoy, este sina Kyle pala.
At as expected, masama ang tingin sa'kin ni Kyle, para akong lalamunin ng buo. Hello, tao po ako. Buti na lang hindi siya nagsasalita.
"Tweety girl, your really great!"
Kumunot yung noo ko, Tweety girl? Bakit? "Ha?"
"Hehe, I'm Adrian. 'yong tweety girl, yun kasi ang suot mong damit kahapon."
Ah yun pala, so ngayon bakit hindi barney ang tawag niya sa'kin? Eh, barney na tshirt ang suot ko. Php35 lang bili ko dito sa ukay-ukay.
Teka, buti pa 'to mabait hindi katulad ni Kyle.
"I'm Chelsea."
Ngumiti ulit siya. Aysss, why so guwapo?
"Tama iyan, huwag ka paaapi! Fighting!~"
Nakakatuwa naman 'tong si Adrian. Approachable siya hindi tulad ni Kyle at 'yung isa pa nilang kasama na laging tahimik. Hindi kaya ito natutuyuan ng laway? O baka pipi lang? Haha, joke lang.
Anjan na pala ang prof. Aral muna.
****
A/N : I'm enjoying this story, sana magustuhan nyo po. Just read it and leave a comment. As long as makapag-update ako, mag-a-update ako. Goodnight fellas!
xxx.pinkyjhewelii
<center><h1>Chapter 4 ♥ Payback Time</h1></center>
<hr>
Chelsea POV
Time check: 2:50 pm na.
Vacant kasi namin ngayon.
Actually kanina pang 2pm. Hanggang 4 yung vacant namin tapos may isa pa akong klase na pang 4-5pm.
Kinakabahan na ako.
I'm walking
walking
walking
walking
and walking.
Arghhh! Nasaan na ba yung room na may nakasulat na Tigers sa pinto?
I saw gymnasium, hanep sa laki! Parang araneta ang peg, chos!
Naglakad-lakad pa'ko ng konti hanggang sa makita ko nga ang isang may kalakihang room na may itim na pinto at may nakasulat na "TIGERS". So, may sarili pala silang room gano'n? Sosyal sila huh!
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok.
Agad naman nagbukas 'yon, and guest what? Isang gwapong nilalang ang nagbukas niyon.
Napansin ko 'yong pagkunot ng noo niya. "May kailangan ka Miss?"
"Pinapupunta ako ni Kyle dito." kalma lang ang boses ko.
Dumilat pa ang masingkit-singkit nyang mata. "Whoah! Iba na pala ang taste ni Kyle sa mga babae?"
Aba't? Ano daw?
"Sino ba 'yan Jerome?" -Adrian
"Uyy, tweety girl, ikaw pala 'yan. Hinihintay ka na ni Kyle sa loob."
Ngumiti ako kay Adrian, talaga namang napakabait ng isang 'to.
Pumasok na'ko sa loob kasunod nina Adrian at 'yung singkit na lalaki na Jerome yata ang pangalan.
Nagulat ako pagpasok ko, para akong pumasok sa isang living room na puno ng gadgets. Paano nagkaroon nito sa school? Kung sabagay, kapag ba naman anak ka ng may-ari ng school.
Kung nagulat man ako sa dami ng gadgets sa loob, mas ikinagulat ko ang ilang piraso ng ulam, este ilang lalaki pala na ngayon ay nakatingin na sa'kin lahat.
WOW! Ulam...
My gulay, lahat sila guwapo!
Saang planeta galing ang mga ito?
"Maaga ka pa ng 4minutes." -Kyle
Sumimangot ako, anong gusto niya late ako?
"Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin, nagmamadali ako." -ako
"Whoa! Kyle, new girlfriend?" -lalaking naka-black jersey.
"Tumigil ka nga Ken. Alipin ko 'yan." -Kyle.
"Anong alipin pinagsasasabi mo dyan ha Kyle?" pinag-iinit nito ang dugo ko, how could he say na alipin ako?
"Matawagan nga si Papa" sabi ni Kyle habang hawak ang cellphone.
-___- "Sabi ko nga, alipin mo ako."
Kailangan ba talagang ipanakot 'yon?
O_O - adrian
O_- -lance
O_O - jerome
O_O -ken
At ang tatlo pang lalaki na diko pa kilala, O_O!
"ALIPIN KA TALAGA?"
Ouch, nabingi naman ako d'on. Sabay sabay ba namang sigaw.
Tumango na lang ako.
Lumapit agad sakin si Adrian, "Tweety girl, paano ka niya naging alipin?"
-___- ???
"Hoy Adrian, tigilan mo nga 'yan. Narinig nyo namang lahat, alipin ko 'yan kaya pwede bang lumabas muna kayong lahat dahil may pag-uusapan kaming importanteng mahalaga." -Kyle
"Importante na, mahalaga pa." - lance
"Hoy Kyle baka pagsamantalahan mo lang si tweety girl." - Adrian.
"Para sabihin ko sayong ugok ka, may taste naman ako!" sigaw 'yan ni Kyle.
Kapal nito. "Hello? Para sabihin ko din sa'yo, may taste din naman ako!"
Nagtawanan ang ilang kaibigan nila at nagsilabasan na. Pinunong pinuno ang dating ni Kyle. Talagang napasunod niya ang mga yun? Tch >.>
"Basta tweety girl, wag mong hahayaang pagsamantalahan ka niya ha? Sigaw ka lang kaso hindi ka namin maririnig. Manyak pa naman 'yang si Kyle." sabi ni Adrian bago kumaripas ng takbo palabas.
Ano daw?
"Humanda ka sa'kin mamaya Adrian!" - Kyle
Ako -_-
>.>
@_@
"Ano ba Kyle? Nabibingi na'ko sa katahimikan. Magsalita ka naman? Ano bang kailangan mo sa'kin?"
Hindi ko na napigilang basagin ang katahimikan. Para kasing timang, hindi na nagsasalita.
Lumapit siya sa desktop at may kinuha sa ibabaw ng printer. Lumapit siya sakin dala ang isang bondpaper.
"Oh, basahin mo."
kumunot naman ang noo ko.
CONTRACT
I hereby certify that the statements and information in this application form are
true and correct to the best of my knowledge and belief, and I authorize the
University of Southern California to investigate all statements or other information
contained in this application form and any attachments submitted with it, unless I
have stated in writing to the contrary.
Ano daw? Teka wala ng kadugtong.
"Hoy Kyle, ano ba'to? Nag-copy-paste ka lang yata sa google nito eh."
Halata namang nagulat siya kaya hinablot niya sakin yung papel. "Hindi ito!" sigaw niya tapos may kinuha pa siyang isang papel sa may printer. Ano ba yun? Baliw lang.
"Eto 'yon."
Binasa ko na ulit. Lintek kasing Kyle 'to gagawa lang ng kontrata, copy paste pa. May University of Southern California pang nakalagay. BALIW!
So eto na yung totoo, binasa ko siya at ito ang nakasulat.
CONTRACT OF AGREEMENT
AKO SI CHELSEA TORRES AY NANUNUMPANG PAGSISILBIHAN SI KYLE SHIN-WOO SA LOOB NG 1OO DAYS.
LAHAT NG IUTOS NIYA AY SUSUNDIN KO. HINDI AKO PWEDENG MAGREKLAMO, DAHIL ONCE NA MAGREKLAMO AKO AY TATAWAGAN NIYA AGAD-AGAD ANG PAPA NIYA PARA PATALSIKIN AKO SA SCHOOL.
ANUMANG ORAS AY MAAAARI NIYA AKONG TAWAGAN AT UTUSAN NG WALANG SAMA NG LOOB.
ANG KONTRATANG ITO AY KAPALIT NG PAG-AALIPUSTANGAN KO SA PAGKATAO NIYA. NANUNUMPA AKONG WALANG MAKAKAALAM NG TUNGKOL SA KONTRATANG ITO MALIBAN SA TIGERS.
DAHIL NAPAKABUTING TAO NI KYLE, BIBIGYAN NIYA AKO NG 5 THOUSAND A DAY. PERO KAPAG HINDI KO SINUNOD ANG ISA MANG UTOS NIYA AY AKO ANG MAGBABAYAD SA KANIYA NG 5 THOUSAND A DAY.
NOTED. OCTOBER 2013.
SIGNED BY: VERIFIED BY:
_____________________ _________________________
CHELSEA TORRES KYLE SHIN-WOO
O_O
"KYLE! Ano 'to????"
"Nabasa mo naman 'di ba? Kontrata 'yan bilang alipin."
What the...? Alam ba niya ang ginagawa niya?
"Hindi tama 'to!" giit ko.
Sinong tao ang papayag na maging alipin ng isang Kyle na sumobra ang yabang at bilib sa sarili?
"Sige, madali naman akong kausap. Tatawagan ko lang si Papa."
"Teka, wala naman akong sinasabing hindi ako pumapayag. Ito naman.."
Ano daw sabi ko? Ayyyyysssshhhh! Bakit ba lagi niyang panlaban 'yong pagpapaalis niya sa'kin sa school? Ano ba namang buhay 'to oh!
"Now, signed it."
"Bakit ba kailangan pa nito?"
"Para hindi mo ako matakbuhan. Hindi mo kilala ang binangga mo miss nobody. Ako ang dakilang si Kyle, walang sinuman ang maaaring kumalaban sa'kin."
May sapak yata sa utak 'tong Kyle na'to. Badtrip.
"Nag-sorry na naman ako 'di ba?"
Parang hindi ko matanggap na maging alipin niya ko in 100days? Halos tatlong buwan din 'yon, my golly! Para na rin akong pumuntang impyerno.
"What is sorry if the damage is done?" - Kyle
"Wow ha, Hay naku ewan ko sa'yo Kyle!!!!!"
NAG-IINIT NA NAMAN TALAGA ANG DUGO KO.
What to do?
Wala rin akong nagawa kung hindi pirmahan 'yong lintek na kontrata na 'yon. Tutal may 5 thousand a day naman ako. Panggastos ko din 'yon. Malaking pera na 'yon.
Iisipin ko na lang na ang pagiging alipin ko kay Kyle ay sideline ko para hindi sumama ang loob ko.
Ano ba 'tong pinasok ko?
"Pipirma ka din pala eh. Ayan pumirma na din ako. Bukas ang simula ng kontrata. 'wag na wag mong susubukang pagtaguan ako dahil malalagot ka sa'kin."
"OO na!"
"Akina ang cellphone number mo."
"Ha?"
"Cellphone number mo. Bingi ka ba?"
"Wala naman akong cellphone eh?"
Baliw ba siya? Hindi muna magtanong kung may cellphone ako, number agad? Rush hour?
Sa hirap kong 'to, maiisipan ko pa bang bumili ng cellphone?
Napakamot siya sa ulo niya. "Anong klaseng nilalang ka, wala ka man lang cellphone????"
-____- "Hello, mahirap lang po ako?"
"Buwisit! Umalis ka na nga!"
"Whatever."
"May sinasabi ka?"
Binigyan ko siya ng fake smile. "Hindi po."
"BUKAS HUMANDA KA NA."
Tumango lang ako saka dumiretso palabas.
Hay salamat, nakahinga rin sa wakas.
Anong kontrata ba kasi 'yon. Hay, ayos lang 'yan Chelsea, may 5k ka naman a day. 'yon nalang iisipin ko.
Pero parang 'di ko parin masikmurang pagsisilbihan ko ang Kyle na 'yon. Ang sama talaga ng ugali nya!
Makapunta na ngang room. Talaga namang nag-iinit ang dugo ko. Ang malas, malas ko!
---------------------------------------
Kyle POV
"ANO ba 'yon? Nilalang na walang cellphone? Ganoon na ba talaga siya kahirap? Mahirap pa siya sa pulubi ah?"
Mag-isa na lang ako dito sa tambayan. Napatingin ako sa kontrata.
Mula bukas, may slave na'ko. HAHAHHA XD
Sarap naman talaga ng buhay ko 'pag may alipin na'ko.
Kasalanan niya 'yon, pagkatapos niya akong kalabanin, yan ang bagay sa kaniya. Hay! Kailangan ko palang pumuntang mall. Ibibili ko na rin ng cellphone ang baliw na babaeng 'yon. Paano ko naman kasi siya matatawagan kung wala siyang cellphone.
Buti sana kung alien kami, antenna lang, nakakapag-communicate na.
Ay naman.
"Kyle!"
"O bakit?"
Problema nitong si Adrian?
"Anong ginawa mo kay tweety girl?" aba, parang inis pa 'to sa'kin ah? Wag mo sabihing ipagtatanggol pa nito ang nobody na 'yon?
"Hoy Kyle, kinakausap kita?"
Pinalamon ko sa kaniya ang kontrata. Este, binigay pala. "Ayan, basahin mo. Wag kang maingay, iidlip muna ako."
Nahiga na'ko sa sofa at naidlip saglit. One hour pa bago ang klase.
ZzZZZzzzzz...
zzZZZzzzzz
zzZZZzzzzz
zzzzzzzzzz
"HOY KYLE, ANO NAMAN 'TO????"
"Ay putek!" muntik na'kong ,mahulog sa sofa dahil sa sigaw ni Adrian.
"Anong kontrata 'to?"
"Nabasa mo naman 'di ba?"
"Pero bakit?"
"Yan ang kabayaran sa pagsasalita niya ng hindi maganda sa'kin."
Sumama ang tingin ni Adrian. "Napakasama mo naman Kyle."
"Matagal na. Parang di mo naman ako kilala."
Minsan nga basta basta na lang akong nanununtok, takot sa'kin guidance eh. Minsan naman, 'pag may nagsalita sa'kin ng hindi maganda, pinatatalsik ko agad sa school. Ganoon ako kasama, aminado naman ako.
Wala eh, ito talaga ako eh. PUSONG BATO ako.
"Oo na. Pero sana 'wag mo masyadong pahihirapan si tweety girl."
"Concern ka masyado sa baliw na 'yon."
"Gusto ko lang 'yong fighting spirit niya."
Kumunot yung noo ko, anong nakain ng ugok na'to?
"Ewan ko sa'yo Adrian, hayaan mo muna akong matulog."
Napikit na lang ulit ako. Mukhang tinamaan si Adrian sa nobody na 'yon ah?
Zzzzzzzzzz..
*****
A/N: Try ko ulit mag-update mamayang gabi. Hehe, bale sa chapter 5, do'n palang magsisimula ang bangayang matindi ni chelsea at kyle kaya sana abangan niyo :)
<center><h1>Chapter 5 ♥ First Day Of Being ALIPIN</h1></center>
<hr>
Chelsea POV
Kararating ko lang dito sa bahay. Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto ko.
Maliit lang 'to pero may single bed naman kahit papaano. May maliit din akong table sa gilid ng kama kung saan nakapatong ang picture ko kasama sina Mama at Papa.
5years old kasi ako no'n nang maaksidente sila at namatay.
Napatingin ako sa damitan ko. Pinaglumaang cabinet ng pinsan kong si Charisse. Wala pang sampu ang damit ko, pulos galing pa sa ukay ukay. Ang doll shoes ko