I. INTRODUKSYON
A. TALAMBUHAY NG MANUNULAT
Si Dan Brown (ipinanganak noong Hunyo 22, 1964) ay isang Amerikanong manunulat ng mga thriller fiction. Kilala siya sa pagsulat ng kontrobersiyal na bestseller novel noong 2003, ang The Da Vinci Code. Naging isa ito sa mga paksa ng mga intelektuwal na debate sa mga mambabasa at iskolar. Ang mga nobela ni Brown ay naisalin sa 56 na mga wika sa buong mundo at may higit 200 milyong mga kopya.
Bilang anak ng isang guro sa matematika at isang organista ng simbahan, si Brown ay pinagtapos sa isang prep school kung saan nahubog ang kanyang hilig sa agham at relihiyon. Ang mga temang ito ang tumulong sa kanyang pagbuo ng backdrop para sa kanyang mga akda. Siya ay nagtapos sa Amherst College at Phillips Exeter Academy kung saan kalaunan ay bumalik siya upang magturo ng Ingles bago ibuhos ang buong atensyon sa pagsusulat.
B. MGA AKLAT NA NAISULAT NG MAY-AKDA
1. Origin: Tungkol sa mapanganib na interseksyon ng dalawang pinaka-walang maliw na katanungan ng sangkatauhan.
2. Inferno: Tungkol sa mga elementong naaayon hanggang sa kasalukuyan.
3. The Lost Symbol: Tungkol sa isang dokumentong nakatago sa direktor ng CIA noong 1991 na hanggang ngayon ay naroon pa rin.
4. Angels & Demons: Tungkol sa illuminati na naglatag ng maalamat na paghihiganti laban sa kanyang pinaka-kinasusuklamang kaaway — ang Catholic Church.
5. Deception Point: Tungkol sa mapangahas na panlilinlang na nagbabantang ibaon ang mundo sa kontrobersya.
6. Digital Fortress: Tungkol sa code-breaking machine ng NSA na nakatagpo ng isang mahiwagang code na mahirap wasakin.
I. PAMAGAT
The Da Vinci Code
Ang pamagat ay tumutukoy mismo sa mga lihim na kodang ipinapakita ni Leonardo da Vinci sa kanyang mga artworks, ayon kay Dan Brown. Angkop lamang ang pamagat na ito sapagkat malinaw nitong ipinapakita ang pangunahing paksa sa akda: ang mga sikretong mensahe sa likod ng tanyag na gawain ni da Vinci.
II. BUOD
Inatasan ang Harvard symbologist na si Robert Langdon na lutasin ang pagpatay sa isang kurator ng Museum Louvre sa Paris na si Jacques Saunière kung saan ang biktima ng karumal-dumal na krimen ay wala nang iba kung hindi ang lolo ni Sophie, isang magandang kriptolohista na nakasama ni Langdon sa pag-iimbestiga. Natagpuan ang katawan ni Saunière sa gusali ng Denon, Louvre na walang damit at nakaporma na katulad ng tanyag na guhit ni Leonardo da Vinci, ang Vitruvian Man, kasama ang isang sikretong mensahe na nakasulat sa tabi ng kanyang katawan at isang pentagramang nakaguhit sa kayang tiyan sa sarili niyang dugo na tila isang Fibonnaci sequence. Nasa loob ng mga gawa ni Leonardo da Vinci, kabilang ang Mona Lisa at The Last Supper, ang interpretasyon ng mga lihim na mensahe na namayani sa paglutas sa mga kababalaghan: Ano ang lihim na pinangangalagaan ni Saunière na nagdulot sa kanyang pagpaslang? Sino ang nag-utos sa pagpatay sa kanya?
Sa kalagitnaan ng imbestigasyon ay nalaman ni Langdon ang tunay na balak ng kapitan ng mga kapulisan na si Fache kaya tumakas siya, dahilan para tugisin siya ng imbestigador. Sa kabilang dako, si Sophie ay may isang kakaibang susi na may mga tuldok, at numero 24 na nakaukit dito. Ito ang nagbigay-daan sa kanilang dalawa upang buksan ang isang komplikadong imbestigasyon tungkol sa isang heretik na teorya: si Hesu-Kristo at Maria Magdalena ay mag-asawa na nagkaanak ng babaeng nagngangalang Sara. Ilang siglo nang itinatago ng isang milenarianismong sekta na tinatawag na The Prioy of Sion ang sikretong iyon at inaalagaan nila ang mga descendants ni Jesus.
Ang masokista na may pagka psychopath na si Sibilas, isang miyembro ng Opus Dei, ay tumugis din kina Langdon at Sophie upang pigilan ang kanilang pagdiskubre sa misteryo tungkol kay Kristo at Maria Magdalena, at upang pigilan silang malaman ang tunay na kahulugan at kinalalagyan ng Banal na Kopita. Ngunit, isang madamdaming British na mananaliksik ang tumulong kina Sophie at Langdon, at nagpaliwanag sa kanila ng kahulugan ng ilang simbolismo sa obra ni Da Vinci na Ang Huling Hapunan. Naglakbay din sila sa ilang mitikal na lugar sa UK tulad ng Ang Simbahang Templo kung saan pinaniniwalaang isang grupo ng mga templar na mga kabalyero ang nakahimlay; ganoon din sa puntod ni Isaac Newton sa Westminster Abbey kung saan matatagpuan ang ilang impormasyon na nagsilbing susi sa paglutas sa misteryo ng Banal na Kopita.
Nalaman nila na si Isaac Newton ay ang kabalyero na inilibing ni A. Pope kaya sinubukan nilang hanapin ang nitso niya. Pinagbantaan ni Teabing na patayin si Sophie pag di nahanap ni Robert ang kinaroroonan ng Holy Grail, ngunit niloko sya ng huli dahilan para mabasag ang keystone. Nalaman nilang hindi totoong apo ni Sauniere si Sophie at isa siya sa mga desendyente ni Jesus. Bumalik si Robert sa Paris at doon niya naunawaan ang ibig sabihin ng nasa scroll nang aksidente niyang masugat ang mukha gamit ang ahit. Pinuntahan niya ang Rose Line Louvre kung saan matatagpuan ang sarkopago ni Maria Magdalena.
III. PAGTATAYA
A. TALASALITAAN
1. opulent – masagana, komportable
2. edifice – gusaling marangya o maringal ang disenyo at istilo
3. flamboyant – nakakasilaw, maningning, matingkad, marangya
4. draconian – matindi o striktyo, may kaugnayan sa mga katangian ng Athenian statesman na si Draco o ang kanyang mga malulupit na batas
5. pallid – hindi karaniwang pagkaputla ng balat
6. arcane – misteryoso, lihim, nakatgo o kubli, hindi alam ng marami
7. reprimand – mahigpit na pangangaral o suwatan, kagalitan
8. lucrative – kapaki-pakinabang, nakakapagbigay ng kayamanan
9. juxtaposition – pagkakahanay o pagtatabi-tabi
10. relinquishment – sumuko o itakwil, talikuran
11. incongruous – hindi nababagay, hindi tugma o hindi magka-angkop
12. gossamer – sapot, tahanan ng gagamba
13. gyrate – paikot, uminog nang mabilis
14. supine – nakatihaya, nakahilata, mahinang katawan
15. austerity – pagkamahigpit, katipiran
16. burgeon – pag-usbong
17. decipher – paghahanap ng kahulugan, pag-unawa, basahin, intindihin
18. mausoleum – batong gusali kung saan nakahimlay ang bangkay ng mga kilalang tao
19. prismatic – hugis prisma, o naglalaman ng anuman sa katangian ng isang prisma
20. cloister –lugar kung saan naninirahan ang mga madre o mongha, at mga monghe
B. MGA TAYUTAY NA GINAMIT SA AKDA
1. Simile – “Telling someone about what a symbol means is like telling someone how music should make them feel.”
2. Metaphor – “Even the sane ones are nuts.”
3. Personification – “Learning the truth has become my life's love.”
4. Imagery – “Fache carried himself like an angry ox, with his wide shoulders thrown back and his chin tucked hard into his chest.”
5. Metaphor – “By its very nature, history is always a one-sided account.”
IV. KONKLUSYON
1. Nagustuhan mo ba ang aklat? Bakit?
Oo. Napakahusay ang isitilo ng pagsusulat na ginamit ng may-akda hanggang sa puntong halos mabaliw ang mga mambabasa, lalo na ang mga miyembro ng simbahang Katoliko. Ginawa nilang makatotohanan ang dapat ay piksyon lamang. Nagustuhan ko rin ang The Da Vinci Code dahil sa taglay nitong kakaibang interaksyon sa pagitan ng mga tauhan at ng mga mambabasa. Maayos ang pagkakasunud-sunod at pagkaka-organisa ng mga pangyayari at ramdam ang nag-aalab na mga tagpo sa akda.
2. Karapat-dapat bang irekomenda ang aklat? Bakit?
Oo. Una, dahil nga sa isa ito sa mga bestseller ngayon. Pangalawa, maraming mga tao ang nakabasa na nito at mainit itong pinag-uusapan hanggang sa kasalukuyan. Pangatlo, napakagaling ng ginawang paglalahad ng may-akda. Pang-apat, nagbibigay-ideya ito sa mga mambabasang nais makakilala at husgahan ang simbahang Katoliko gamit ang mga piksyon at di-piksyon na materyales.
3. May natutunan ka ba sa aklat?
Oo, marami. Malinaw nitong ipinaparating na mahalagang alamin muna ang pinagmulan ng isang bagay bago ibuhos ang buong dedikasyon dito. Marapat ding itaguyod at mas palawaking ang ideya ng pagkakapantay-pantay ng bawat mamamayan. Hindi ito isang akda na naninira sa simbahang Katoliko; ito ay isang akda na nagtuturong dapt ding igalang ang mga aspetong pangkababaihan, at ang kanilang gampanin sa komunidad.
4. Paano mo mapapaunlad ang aklat?
Bilang isang amateur o baguhang manunulat, wala na akong mairerekomenda pa upang mapaunlad ang akda sapagkat lahat ng elemento at katangiang hinahanap ng isang bukas ang isipang mambabasa ay naipakita ng manunulat.
5. Masama ba o mabuti ang aklat?
Para sa akin, mabuti ang aklat. Marami man ang hindi sang-ayon dito dahil parang sinasalungat ang simbahang Katoliko, malinaw na isang piksyon lamang ang akda kahit pa man nakabase ang mga tagpuan at tauhan sa mga makasaysayan at makatotohanang lugar, pangyayari, personalidad at iba pa.
V. MENSAHE NG AKLAT
Ipinapahayag ng aklat na The Da Vinci Code ang tungkol sa iba’t-ibang atake laban sa simbahan ngunit malinaw nitong inilalahad ang kahulugan na hindi nito tinutukoy o nilalahat ang mga miyembro ng simbahang Katoliko. Ipinaparating ng akda na bawat anggulo ng isang istruktura, artwork, o anumang masining na gawain ay mahalaga sa pagpili ng mga landas na tatahakin, at mga bagay na nararapat panghawakan at paniwalaan.
Bilang konklusyon, nais iparating ni Dan Brown na walang maliligtas ng relihiyon o ng simbahan, bagkus ay ang pananampalataya at paniniwala, gayundin ang malalim na relasyon sa Maykapal ang mahalaga.