Nais Mo Bang Maghiganti?


SUBMITTED BY: noelcute03

DATE: Oct. 28, 2016, 1:21 a.m.

FORMAT: Text only

SIZE: 1.1 kB

HITS: 3986

  1. Katuruan Laban sa Paghihiganti
  2. 38 "Narinig ninyong sinabi, 'Mata sa mata at ngipin sa ngipin.' 39Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag ninyong paghihigantihan ang masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa.40 Kung isakdal ka ninuman upang makuha ang iyong damit panloob, ibigay mo ito sa kanya pati ang iyong damit na pangbalabal. 41 Kung pilitin ka ng manlulupig na pasanin ang kanyang dala ng isang milya, pasanin mo iyon ng dalawang milya. 42 Bigyan mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong tanggihan ang nanghihiram sa iyo."
  3. Roma 12:17-21
  4. 17 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal. 18 Hangga't maaari, makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao. 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, "Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon." 20 Subalit, "Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo." 21 Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.

comments powered by Disqus