Mga Balita sa Pilipinas Ngayon
Isa sa mga istorya sa balita ngayon ay ang pagpapahintulot ng mga obispo sa Pilipinas na mamagitan sa basangal ng Presidenteng Benigno Aquino III at ng Korteng Supremo na tinutungo ng Chief Justice Renato Corona. Itong dalawang sangay ng gubyerno, ang ehekutibo at ang panghukuman, ay matagal ng hindi magkasundo. Nagsimula daw noong gumawa ng desisyon ang Koreteng Supremo tungkol sa Hacienda Luisita, dahil ito ay isang pamilyang kayamanan ng Presidente. Ngayong palaging nasa balita ang problema tungkol sa nakaraang presidente na si Gloria Macapagal Arroyo, nakikita ulit na hindi magkasundo sina Aquino at Corona. Matatag si Aquino sa kanyang kautusan na hindi dapat palabasin si Arroyo ng bansa dahil kailangan siyang sumagot sa mga sakdal sa kanya. Pero ang Korteng Supremo ay binigyan si Arroyo ng pahintulot na pumunta sa ibang bansa para makapagpagamot.
Ngayon, ang mga obispo ay nagsasalita na, sinasabing payag silang tumulong sa pagbabati ng dalawang parte ng gubyernong Pilipino, kung gusto ng mga tao ang tulong nila. Sinabi ng Obispong taga Sorsogon na si Arturo Bastes na may kakayahan ang mga obispo na ayusin ang problemang ito, lalo't higit pa sa dahilan na sila ay mayroong "more ascendancy" o dahil sila ay superiyora. Ang Senate President na si Juan Ponce Enrile ay sinusuporta ang simbahan dito dahil sabi niya ito daw ay mga "niyutral" na institusyon. Malamang naman daw na ang Presidente ay hindi papayag na makialam ang mga obispo dahil sa kanyang mga duda sa simbahang Katoliko bilang isang institusyon.
Nakakagulat ang istoryang ito sa mga Amerikano. Kitang kita ang impluwensiya at ang kapangyarihan ng simbahang Katoliko sa Pilipinas. Dito sa Amerika, pinaghihirapan na paghiwalayin ang relihyon sa gubyerno, pero sa Pilipinas, pangkaraniwan lang na ang simbahan ay bahagi ng gubyerno. Pag ang mga simbahan dito sa Amerika ay sumubok na makialam sa mga bagay na hindi tungkol sa relihyon, madaling magagalit ang mga tao. Sa Pilipinas pa, inilarawan ni Enrile ang simbahan na "niyutral." Pwede pa ngang sabihin na ang relihyon ay may mas malaking impluwensiya sa mga tao kumpara sa presidente mismo, mas lab na pag inalala na ang Obispong Bastes ay sinabi na ang simbahan ay mas makapangyarihan kaisa sa ehekutibo o sa panghukuman na sangay ng gubyerno. Mga istoryang katulad nito ay isa sa mga dahilan kung
bakit ang relihyon, ang Katolisismo, ay patuloy na sentro pa rin ng mga buhay ng maraming Pilipino. Kahit na tayo ay na-iimpluwensiya na ng maraming ibang kultura, ang tungkulin ng relihyon sa ating buhay ay kakaiba pa nfl pag kinumpara sa ibang mga bansa, katulad ng Amerika.